LESS PLASTIC IN QC!
Isinusulong ng lokal na pamalahaan ng Lungsod Quezon ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan at mga QCitizens.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa “Kuha sa Tingi” program culminating activity ngayong araw. Layon ng programang ito na mabawasan ang paggamit ng mga single-use products at sachets sa mga sari-sari stores sa QC.
Sa walong linggong pilot-run ng programa sa 30 Tindahan ni Ate Joy partners, tinatayang nabawasan ang paggamit at pagbili sa higit sa 47,000 sachets sa buong QC. Bahagi nito ang higit P143,000 pondong kinita ng pilot stores ayon sa RIPPLEx.
Sa kasalukuyan, apat na produkto ang maaring mabili nang tingi gamit ang reusable containers sa mga tindahan. Ito ay dishwashing liquid, fabric softener, liquid detergent, at multipurpose cleaner.
Ayon kay Mayor Joy, plano ng lungsod na mas mapalawak pa ito at mahikayat pa ang QCitizens at mga tindahan na tangkilin ang zero-waste products.
Present din sa event sina Greenpeace Ph Country Director Lea Guerrero, Greenpeace Ph Zero-Waste Campaigner Marian Ledesma, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, at RIPPLEx CEO Ces Rondario.