Upang lalo pang maging matalino sa paggamit ng digital tools ang mga QCitizens, idinaos ng PLDT and Smart Communications katuwang ang QC Youth Development Office (QCYDO) ang #CyberSmart program. Dito tinalakay ang mga paksa tungkol sa cyber security at digital wellness.
Ilan sa mga natutunan ng nasa 100 participants ay kaalaman sa online attacks tulad ng virus, scams, phishing, at internet safety. Kabilang rin ang data protection and management, at pag iwas sa misleading information na naglipana online.
Nagbigay kasagutan naman sa mga tanong ng mga kabataan ang panelists na sina PLDT Cyber Security Operations Group Training Supervisor Kristian Pagurayan, PLDT-Smart Digital Communications Sr. Manager Elijah Mendoza, Google Southeast Asia Government Affairs and Public Policy Head Yves Gonzales, PLDT Privacy Office Regulatory and Case Management Head Atty. Cecilia Soria, at InnoPub Media Co-Founder Max Limpag.