Sa QC, Alagang Sigurado para sa Kabataan!

Higit sa 200 kababaihang estudyante ng Batasan Hills National High School ang nakilahok sa Cycle of Care: Period Talk for Teens Orientation ngayong araw.

Bahagi ito ng Women’s Month Celebration sa lungsod at layon ng programa na bigyang-kaalaman ang mga kabataan sa tamang pangangalaga ng reproductive health.

Kasama sa adhikain ni Mayor Joy Belmonte na lalo pang palakasin ang mga programang pangkalusugan at pang-edukasyon para sa kabataang QCitizens.

Ang Cycle of Care ay inorganisa ng Quezon City Gender and Development Council, kasama ang QC Schools Division Office.

+13