Sa Quezon City, hindi ka nag-iisa.
Umabot sa 600 na QCitizens ang nakiisa sa ‘Cycle To End VAW (Violence Against Women)’ na ginanap ngayong umaga.
Ang mga lumahok ay nakatanggap ng libreng bike, helmet, knee at elbow pads, make-up at marami pang iba.
Pinangunahan ng QC Gender and Development (GAD) Council kasama ang Embassy of Belgium ang pangatlong taon ng pagpadyak laban sa karahasan.
Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte na huwag mahiya at huwag matakot na ipagbigay alam at ireport ang anumang pang-aabuso sa QC Protection Center, na handang tumanggap hindi lamang mga kababaihan kundi pati mga kabataan at mga myembro ng LGBTQIA+ Community.
Nakilahok din sa cycling against VAW sina GAD head Janet Oviedo, GAD Council Member at BPLD head Margie Santos, Belgian Ambassador Michel Parys, Denmark Ambassador Franz-Michael Melbin, German Embassy – Deputy Head of Mission Matthias Kruse, EU Gender Champion and Dutch Ambassador Marielle Geraedts, SheDecides Philippines Kristine Chan, at Founder of Break the Cycle Movement Ann Angala.