Ibinaba ng Quezon City Government, sa pamamagitan ng District 5 Action Office (Novaliches District Center), ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga residente ng Barangay Fairview kahapon.

Naihatid sa mga QCitizen ng Fairview ang mga serbisyo ng Social Services Development Department (SSDD), Public Employment Services Office (PESO), Civil Registry Department (CCRD), Housing, Community Development and Resettlement Department (HCDRD), Office for the Senior Citizens Affairs (OSCA), Persons with Disability Affairs Office (PDAO), QC Health Department (QCHD), at City Treasurer’s Office (CTO). Mayroon ding QCitizen ID processing.

Patuloy ang pag-iikot ng Quezon City Government sa mga komunidad para mailapit pa ang mga programa ng lungsod. Magkakaroon din ng District 5 Action Office Caravan sa mga sumusunod na barangay:
July 7 – Greater Lagro
July 14 – North Fairview
July 21 – Kaligayahan
July 28 – Pasong Putik
Aug. 4 – Sta. Lucia

Para sa ibang detalye at anunsyo, umantabay lamang sa official facebook page ng Quezon City Government at Novaliches District Center.