AVE MARIA PURISIMA!
Mataimtim na nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa idinaos na Banal na Misa para sa Dalaw Patron ng Our Lady of the Annunciation na pinangunahan ni Rev. Fr. Starr Revillo ng Diocese of Novaliches.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalaw ang Mahal na Ina ng Anunsasyon sa City Hall na mula pa sa kanyang Parish-Shrine sa Barangay Tandang Sora.
Layon ng simbahan na mapalaganap ang debosyon sa Mahal na Birhen hindi lamang sa kanilang barangay kundi sa buong lungsod.




