VIVA STO. NIÑO!

Sa unang pagkakataon, dumalaw sa Quezon City Hall grounds ang orihinal na imahe ng Señor Sto. Niño, Patron ng Bago Bantay bilang parte ng Dalaw Patron sa pagdiriwang ng Galak Niño Festival sa Kyusi 2023 na pinangangasiwaan ng Diocesan Shrine of Santo Niño Parish.

Sinalubong ni Mayor Joy Belmonte ang kauna-unahang pagbisita ng Sto. Niño sa City Hall. Dumalo rin ang Alkalde sa ginanap na misa sa pangunguna ni Rev. Father Ronald Mariano Roberto, kasama sina City Administrator Mike Alimurung at City Tourism Department OIC Maria Teresa A. Tirona.

Taos-puso namang tinanggap ni Mayor Joy ang ibinigay na imahe ng Señor Sto. Niño na mula kay Rev. Fr. Roberto.

May be an image of 11 people, people standing, people playing musical instruments and outdoors
May be an image of 8 people, people playing musical instruments, people standing, trumpet and outdoors