Sa QC, panalo ang kababaihan!
Upang mas maisulong ang karapatan ng kababaihan at mai-highlight kanilang talento, galing, at katapangan, idineklara ni Mayor Joy Belmonte ang pagkakaroon ng QC Women’s Festival tuwing buwan ng Marso.
Sa talumpati ng alkalde sa Dance Parade of QC Women in Action against VAW, kapansin-pansin na mataas ang kamalayan ng QCitizens sa gender equality at women empowerment kaya kailangan itong ipagdiwang sa pamamagitan ng kapistahan.
Bilang simbolo naman ng pakikiisa ng lungsod sa kampanya kontra abuso at karahasan sa mga kababaihan, sama-samang nag-martsa ang mga QCitizen sa palibot ng Amoranto Stadium.
Pinarangalan din ngayong hapon ang mga nagwagi sa dance competition sa ilalim ng city department at barangay/ community category:
QC DEPARTMENT CATEGORY
Grand Champion – Office of the Vice Mayor
1st Runner-up – Business Permits and Licensing Department
2nd Runner-up – Social Services Development Department
BARANGAY/ COMMUNITY CATEGORY
Grand Champion – Barangay Libis “Tribu ni Aling Dalaga”
1st Runner-up – Barangay Culiat “Pinang Dela Cruz”
2nd Runner-up – Barangay Escopa III “Emerge Dance Group”