QC BAGS 7 AWARDS! 🏆🏆🏆

Dahil sa kanyang mahusay at tapat na pamamahala sa Lungsod Quezon, kinilala bilang Dangal ng Bayan Awardee si Mayor Joy Belmonte ng Gawad Pilipino Awards na pinangangasiwaan ng EUROTV Philippines.

Ang naturang award ay nagbibigay pagkilala sa patuloy na dedikasyon at work ethics na nakatutulong upang umunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Bukod sa Alkalde, anim na Quezon City Councilors din ang itinanghal bilang mga Outstanding Public Servant of the Year.

Ang mga award-winning councilors na ito ay sina Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, Councilor Candy Medina, Councilor Dok G Lumbad, Councilor Aiko Melendez, Councilor Wency Lagumbay, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte.

Personal na iniabot ni Gawad Pilipino Chairman Danilo Mangahas ang mga awards sa Quezon City Hall.

+9