Upang talakayin ang benchmarking activity na isinagawa ng Lungsod Quezon sa Copenhagen City, Denmark noong April 17 – 21, 2023, naimbitahan para sa isang debriefing session ang ating 22nd Quezon City Council delegation ni Kingdom of Denmark to the Philippines and Palau Ambassador His Excellency Franz Michael Skjold Mellbin.

Ang pag-uusap ay naging tulay para magkaroon ng partnership ang Danish Embassy at Quezon City Council sa pagtugon sa mga issue tulad ng climate change, food security, cycling system at iba pa.

Naghain din ng resolusyon si Majority Floor Leader, Councilor Dorothy A. Delarmente MD upang ipahayag ang taos-pusong pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon kay Ambassador Mellbin at sa Danish Embassy sa kanilang patuloy na suporta sa QC.

May be an image of 2 people

May be an image of 10 people
May be an image of 4 people
May be an image of 14 people and people studying