Bumisita sa Public Affairs and Information Service Department (PAISD) ng Quezon City Government sina Harvey James C. Lanticse, Acting Head ng City Information Office, at Jecia Anne B. Opiana, Information Officer II ng Davao City, para sa isang benchmarking activity.
Layunin ng kanilang pagbisita na mas mapalalim ang kaalaman sa mga tungkulin ng departamento, proseso ng trabaho, at best practices ng PAISD sa epektibong information dissemination at public communication. Ibinahagi rin ng PAISD team ang kanilang mga pamamaraan sa pamamahala ng media relations at digital platforms upang mas mapalakas ang komunikasyon sa publiko.
Ipinakita rin ng PAISD ang proseso sa pagbuo ng isang episode ng Usapang QC, ang award-winning online infotalk show ng QC Government.








