Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nag-courtesy visit kay Mayor Joy Belmonte ang mga kinatawan ng Davao City matapos magsagawa ng benchmarking activity sa City Hall.
Sa benchmarking activity, tinalakay ang mga best practices ng revenue-generating departments ng lungsod, kabilang ang Market Development and Administration Department (MDAD) at Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO).
Layon nitong ibahagi ang mga programang maaaring magsilbing gabay sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya sa Davao City.
Personal na nakibahagi sa aktibidad sina LEDIPO Head Jay Gatmaitan, MDAD OIC Atty. Mark Aldave, Davao City Economic Enterprise Manager Maximo Macalipes Jr., at iba pang mga kawani.





