Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ibinahagi ng Quezon City Health Department (QCHD) ang kanilang best practices sa nutrition at mental health programs sa mga kinatawan ng opisina ni Davao del Norte Board Member Lou Suaybaguio.
Kabilang sa mga tinalakay ng QCHD ang mga programa para masiguro ang nutrisyon ng mga bata at mag-aaral gaya ng Operation Timbang Plus at QC School Meals Program, at ang komprehensibong mental health program ng lungsod.








