
Opisyal nang sinimulan ng Quezon City government at Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa mga batang QCitizen edad 5 hanggang 11 sa SM North EDSA Skydome.
Napuno ang Skydome ng mga makukulay na disenyo at mga mascot para sa mga chikiting na nabigyan din ng welcome treats mula sa lungsod. Paraan ito para maging kumportable at mapawi ang pangamba at takot ng mga bata.
Dumalo sa ceremonial Resbakuna Kids vaccination sina Mayor Joy Belmonte, IATF Chief Implementer Sec. Carlito Valdez Jr., Testing Czar Sec. Vince Dizon, SM Supermalls Senior Vice President Engr. Bien C. Mateo, Special Adviser to NTF vs COVID-19 Dr. Teddy Herbosa, DOH Asst. Regional Director Dr. Aleli Anne Sudiacal, at World Health Organization Country Office OIC Dr. Achyut Shrestha.
Sa mga parent o guardian na nais mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga anak kontra COVID-19, maaaring magparehistro sa inyong barangay o mag-register o magpa-book ng schedule sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy


























