Mas papaigtingin pa ng Quezon City Government ang mga programa para sa recovered women who use drugs (RWWUDs).
Ngayong araw, pumirma ng Declaration of Cooperation sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) Country Director Daniele Marchesi para mas mapalakas pa ang mga programa para sa mga kababaihan, lalo na sa mga dating person deprived of liberty (PDLs).
Titiyakin ng lungsod at UNODC na may nararapat na inisyatibo para sa mga kababaihan, tulad ng pagbibigay ng oportunidad at livelihood package, para hindi na sila muling mahikayat na magbenta at gumamit ng ilegal na droga.