Dahil sa nararanasang mga pag-ulan dulot ng Habagat na pinalakas ng Bagyong #IndayPH, patuloy na nagsasagawa ng declogging at clearing operations ang Quezon City Department of Engineering (QCDE). Bahagi ito ng agarang pagtugon ng Quezon City Government upang masiguro ang maayos na daloy ng tubig sa mga drainage system, at maiwasan ang pagbara ng mga basura na maaring magdulot ng pagbaha..
Narito ang mga isinagawang declogging at clearing works sa mga sumusunod na lugar:
District 1:
– Clearing works sa Matalahib Bridge, Brgy. Sto. Domingo
– Clearing works sa West Riverside cor Valencia, Brgy. Del Monte
– Clearing works sa Del Monte St. at Ilaw St., Brgy. Paltok
– Declogging at clearing works sa Kundiman St. at Matias St., Brgy. Paltok
– Clearing works sa Tolentino St. Damayan Public Market, Brgy. Damayan
– Declogging at clearing works sa Zamora St., Brgy. Damayan
– Declogging works sa Mariveles St., Brgy. Paang Bundok
– Declogging works sa Mangga St., Brgy. Katipunan
– Declogging works sa N.S. Amoranto
– Declogging works sa Quezon Ave. cor. EDSA
District 2:
– Declogging works sa Bitoon, Ever Gotesco, at MRT Batasan, Brgy. Commonwealth
– Declogging works sa Spring Country, Brgy. Bagong Silangan
District 3:
– Clearing works sa Kalantiaw cor P. Tuazon, Don Jose cor. 20th Ave., at 18th cor. Del Pilar, Brgy. San Roque
– Clearing works sa F. Castillo St., Brgy. Bagumbuhay
– Declogging works sa Magat Salamat cor. Kalantiaw, Brgy. Bagumbuhay
– Clearing works sa Toyota Aurora, Brgy. San Roque
– Declogging works sa P. Burgos, Brgy. Escopa 1
District 4
– Declogging works sa Kaliraya St. at. Manunggal St.,, Brgy. Tatalon
– Declogging at clearing works sa Elliptical Rd., Brgy. Central
– Declogging works sa 39 Sct. Fernandez, Brgy. Laging Handa
District 5:
– Declogging works sa Culsia St., Accounting St., at Collection St., SSS Village, Brgy. North Fairview
– Declogging works sa Yakal St., at Molave St., SAPAMANAI, Brgy. Gulod
– Declogging works sa Belen St., Brgy. Gulod
– Declogging works sa 48 J.P. Rizal, Brgy. Sta. Lucia
– Declogging works sa Sitio Looban St., Brgy. Kaligayahan
– Declogging works sa Susano Rd., Brgy. Novaliches Proper
– Declogging works sa Bibe St., Sitio Urlina, at Redwood St., Brgy. Fairview
District 6:
– Declogging works sa Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson
– Declogging works sa Cypress Village, Brgy. Apolonio Samson
Patuloy ang pagsasagawa ng response operations sa iba’t ibang lansangan upang mapabilis ang paghupa ng baha, mapanatiling maayos ang daloy ng tubig, at matiyak ang kaligtasan ng mga QCitizens.
Pinapaalalahanan din ang publiko na ugaliin ang wastong pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara ng mga drainage system at iba pang daluyan ng tubig.










