Dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan dulot ng hanging #Habagat na pinalakas ng Tropical Depression “Maymay”, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng declogging at clearing operations ng Quezon City Department of Engineering (QCDE) sa iba-ibang bahagi ng lungsod. Layunin nitong mapanatiling maayos ang daloy ng tubig sa mga drainage system, mabawasan ang pagbabara dulot ng mga naipong basura, at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.
Narito ang ilan sa mga isinagawang declogging at clearing works sa lungsod:
• Declogging works sa P. Tuazon Blvd
• Clearing works sa Elliptical Road, Brgy. Central
• Declogging works sa Tendido at Roxas St., Brgy. San Jose
• Declogging works sa G. Araneta cor Mauban St., Brgy. Manresa
• Declogging works sa Banawe cor Samat St., Brgy. Sto Domingo
Pinapaalalahanan din ang lahat na makiisa sa pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura. Ang simpleng disiplina ng bawat isa ay malaking tulong upang maiwasan ang pagbabara ng mga drainage system at iba pang daluyan ng tubig, lalo na sa panahon ng tag-ulan.










