Sa patuloy na pag-ulan na nararanasan dahil sa Habagat na pinalakas ng Tropical Cyclone Dolphin, tuloy-tuloy ang isinasagawang de-clogging at clearing operations ng Quezon City Department of Engineering (QCDE) sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Bahagi ito ng agarang pagtugon ng Quezon City Government upang matiyak ang maayos na daloy ng tubig sa mga drainage system at maiwasan ang pagbabara ng mga basura na maaaring magdulot ng pagbaha.
Narito ang mga isinagawang de-clogging at clearing works sa iba-ibang bahagi ng lungsod:
– Clearing works sa NS Amoranto cor. Don Jose
– Clearing works sa Elliptical Road, Brgy. Central
– Floodwater dewatering sa E. Rodriguez
– Clearing works sa Gumamela St., Brgy. Roxas
– Clearing works sa Araneta Ave. cor. Mauban St., Brgy. Manresa
– Clearing works sa West Riverside
Pinapaalalahanan ang lahat na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang mapanatiling malinis ang mga drainage system at iba pang daluyan ng tubig at maiwasan ang pagbabara na maaaring magdulot ng pagbaha, lalo na sa panahon ng tag-ulan.










