Dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan dulot ng Habagat, tuloy-tuloy ang isinasagawang declogging at clearing operations ng Quezon City Department of Engineering (QCDE) sa iba-ibang bahagi ng lungsod. Layunin nitong mapanatiling maayos ang daloy ng tubig sa mga drainage system, mabawasan ang pagbabara dahil sa mga naipong basura, at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.
Narito ang ilan sa mga isinagawang declogging at clearing works sa iba- ibang bahagi ng lungsod:
– Clearing works sa Elliptical Road, Brgy. Central
– Clearing works sa NS Amoranto cor Don Jose
– Clearing works sa F. Castillo St., Brgy. Bagumbuhay
– Declogging works sa Saint Mary St., Brgy. Payatas
– Declogging works sa Commonwealth Heights
– Declogging works sa Quail St. at Laurel, Brgy. Bagong Silangan
– Declogging works sa Batasan Road, Brgy. Batasan Hills
– Declogging works sa Payapa St., Brgy. Gulod
– Declogging works sa Susano Road, Brgy. Novaliches Proper
– Clearing works sa SAPAMANAI, Brgy. Fairview
– Declogging works sa 61 Baesa Road, Brgy. Baesa
– Declogging works sa Sauyo Road, Brgy. Sauyo
– Declogging works sa Parkway Village at Cypress Village, Brgy. Apolonio Samson
– Declogging works sa Banlat Road at D. Muñoz, Brgy. Tandang Sora
Pinapaalalahanan din ang lahat sa wastong pagtatapon ng basura na malaking tulong upang maiwasan ang pagbabara ng mga drainage system at iba pang daluyan ng tubig, lalo na sa panahon ng tag-ulan.










