Patuloy ang Quezon City Department of Engineering (QCDE) sa pagsasagawa ng mga de-clogging at clearing operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, nagpapatuloy ang mga operasyong ito bilang bahagi ng agarang pagtugon ng Quezon City Government upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha.
Narito ang mga isinagawang de-clogging at clearing works sa iba’t ibang bahagi ng lungsod:
– De-clogging works sa 11 Pearl, 22 Jasper, at 24 E Diamond, Brgy. Batasan Hills
– Clearing works sa Holy Spirit Drive
– Clearing works sa Bitoon, Brgy. Commonwealth
– De-clogging at clearing works sa 93 Tomas Arguelles, Brgy. Doña Imelda
– De-clogging works sa 87 Malumanay, Brgy. Teacher’s Village West
– De-clogging at clearing works sa N Domingo cor Valencia
– De-clogging works sa 46 Elga St., Brgy. Tatalon
– Clearing works sa K3rd st cor EDSA, Brgy Kamuning
– Clearing works sa Kalayaan Ave. Gate 3 at Matalino St., Brgy. Central
– Clearing works sa Gen Luis cor Ts Cruz, Brgy. Novaliches Proper
– Floodwater clearing works sa Dunhill St., Brgy. Fairview
– Clearing works sa Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson
– Clearing works sa Quirino Highway, Brgy. Balon Bato/Brgy. Unang Sigaw
Pinapaalalahanan ang lahat na maging responsable sa wastong pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara sa mga drainage system at iba pang daluyan ng tubig, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.










