Muling nagsagawa ng declogging at clearing operations ang Quezon City Department of Engineering (QCDE) upang maalis ang mga basura at debris na maaaring magbara sa mga drainage system at iba pang daluyan ng tubig.
Narito ang ilan sa mga isinagawang declogging at clearing operations sa iba-ibang bahagi ng lungsod:
– Clearing works sa Calamba cor. Don Pepe, Brgy. Sto. Domingo
– Declogging and clearing works sa NS Amoranto cor. Don Jose
– Clearing works sa Elliptical Rd., Brgy. Central
– Clearing works sa Belfast Ave., Brgy. Pasong Putik Proper
– Clearing works sa Quirino Highway, Brgy. Novaliches Proper
– Clearing works sa Pearl Drive, Brgy. East Fairview
– Clearing works sa Viceroy St., Brgy. Fairview
Paalala po sa lahat, maging responsable sa wastong pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara ng mga drainage system at iba pang daluyan ng tubig, na maaaring magdulot o magpalala ng pagbaha, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.










