Patuloy ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, sa pagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang epekto ng pagbaha sa lungsod dulot ng tuloy-tuloy at malalakas na pag-ulan.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang clearing at declogging operations upang alisin ang mga naipong basura at bara sa mga drainage system, gayundin ang pagsasagawa ng mga drainage improvement works upang mapahusay ang daloy ng tubig at maiwasan ang paglala ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
• Declogging works sa Matutum cor Linaw, Brgy. St. Peter
• Declogging at repair works sa Lower Everlasting, Brgy. Payatas
• Clearing works sa Elliptical Road, Brgy. Central
• Clearing works sa V. Luna cor. Matimpiin at V. Luna cor Anonas Ext., Brgy. Pinyahan
• Declogging works sa Janet St., College Drive Capitol Homesite, at 173 – Pantabangan St., Napocor Village, Brgy. Tandang Sora
• Declogging at repair works sa Tagbiliran St., Pael Estate, Brgy. Culiat
• Repair works sa Rodriguez Drive, Brgy. Baesa
Patuloy na pinaiigting ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang upang mapanatiling malinis at maayos ang mga daluyan ng tubig, mabawasan ang panganib ng pagbaha, at masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat QCitizen.










