Nagsagawa ng declogging at repair ang District 2 Action Office at Department of Engineering sa AFP Road at Saint Paul St., Brgy. Holy Spirit kung saan naibalik ang 58.5 cubic meters na kapasidad ng drainage systems.

Sa tulong ng operasyon ay mas mapapabuti ang daloy ng tubig para maiwasan ang pagbaha, lalo na sa mga critical areas na madalas makaapekto sa mga residente tuwing may malalakas na ulan.

+9