Mas pinaigting ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering (QCDE), ang pagsasagawa ng mga declogging at clearing operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bilang bahagi ng paghahanda sa paparating na bagyo.
Ang mga operasyong ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na flood mitigation initiatives ng lokal na pamahalaan at regular na isinasagawa buong taon. Mula Enero hanggang sa kasalukuyan, nakapagsagawa na ang QCDE ng 306 de-clogging operations, na nakapag-restore ng mahigit 11,000 cubic meters ng drainage system upang mapanatiling maayos ang daluyan ng tubig at makaiwas na magbaha.
Narito ang ilang mga isinagawang aktibidad sa nakaraang linggo:
District 1
– Declogging works sa Cadang St., Brgy. Masambong
– Declogging at clearing works sa Bonifacio Ave. at Kamias St.,, Brgy. Balingasa
– Declogging at repair works sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo
– Declogging at clearing works sa Lipat Extension, Brgy. Phil-Am
District 2
– Declogging works sa Lupang Pangako Extension, Phase 3, Block 6, Brgy. Payatas B
– Declogging works sa 422 Hon. B. Soliven, Brgy. Commonwealth
– Repair works sa De Leon St. at Boifacio St., Brgy. Holy Spirit
– Declogging at repair works sa 18 Republic Avenue Sto Niño Extension , Brgy. Holy Spirit
– Declogging works sa Samar Rd., Luzon Avenue, Don Vicente St., at sa Kaunlaran St., Brgy. Holy Spirit
– Declogging works sa Senatorial St., Brgy. Batasan Hills
District 3
– Declogging works sa 3rd Camarilla St., Brgy. San Roque
– Declogging wotks sa Quirino High School, Brgy. Duyan-Duyan
– Repair works sa Fabian De La Rosa St., Brgy. Loyola Heights
– Declogging works sa J.P. Rizal cor Rajah Matanda, Brgy. Milagrosa
– Repair works sa Aurora Blvd, Brgy. Cubao
– Declogging works sa Xavierville cor Katipunan, at Pajo cor Chico, Brgy. Loyola Heights
– Repair works sa Cabesaz St., Brgy. Marilag
– Repair works sa Liberty St., Brgy. Socorro
– Repair works sa 20th Ave., Brgy. San Roque
District 4
– Declogging at clearing works sa Elliptical Rd., Brgy Central
– Declogging at clearing works sa V Luna cor Anonas, Brgy Sikatuna
– Declogging at clearing works sa Kalayaan cor Elliptical, Brgy. Central
– Repair works sa K-2nd St., Brgy Kamuning
District 5
– Declogging works sa Sta. Barbara St., Brgy. Gulod
– Repair works sa Canuto Dumalay St., Brgy. Sta. Monica
– Declogging at clearing works sa Ati-atihan St., Brgy. Greater Lagro
– Declogging works sa Salawikain St., Brgy. Greater Lagro
District 6
– Declogging works sa Mendez Rd., Brgy. Baesa
– Declogging at clearing works sa Roque St., Brgy. Pasong Tamo
– Declogging works sa Greenview, Brgy. Sauyo
– Declogging works sa Central Ave., Brgy. Culiat
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng mga de-clogging at clearing operations at pinapaalalahanan din ang publiko na panatilihin ang wastong pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara nito sa mga daluyan ng tubig.










