Nagsagawa ng drainage declogging operation ang District 2 Action Office, sa pangunguna ni Action Officer Atty. Enrile “Bong” Teodoro, at QC Engineering Department sa Doña Carmen Heights, Brgy. Commonwealth.
Nilinis at tinanggal ang bara sa mga kanal sa Doña Carmen Avenue upang maiwasan ang pagbaha sa lugar.
Paalala sa mga QCitizens, ugaliin ang wastong pagtatapon ng basura at panatilihin ang kalinisan sa ating mga komunidad.