Nag-ikot ang mga tauhan ng QC Engineering Department at District 4 Action Office, sa pangunguna ni Action Officer Zandy Zacate para linisin ang mga kanal sa distrito.

Ito’y para maalis ang mga basura at bara sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng matinding baha kapag malakas ang ulan.

Kabilang sa declogging operation ang Tomas Morato Corner Timog, Brgy. Laging Handa, 12th St., Brgy. Damayang Lagi, at Elliptical Road, Brgy. Central.

Nagkaroon din ng clearing at hauling ng debris sa Eugenio St., Brgy. Krus na Ligas.

Patuloy na paalala ng lokal na pamahalaan, panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng ating mga basura.

+7