Tuloy-tuloy ang pag-iikot ng QC Department of Engineering, katuwang ang ating District Action Offices para linisin ang mga kanal at estero sa lungsod.
Ito’y para maalis ang mga bara at basura sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng matinding baha kapag malakas ang ulan.
Narito ang clearing, repair, at declogging operations na isinagawa sa District 1 at 4:
Declogging/Clearing of manholes:
A. Bonifacio Avenue (Balintawak area)
Old Samson Road (Cloverleaf Market), Brgy. Balingasa
4th Street, Brgy. Mariana
Clearing of steel inlet:
Elliptical Road, Brgy. Central
Repair of inlet:
Maamo Street, Brgy. Sikatuna Village
Paalala sa mga QCitizen na ugaliing magbukod at magtapon ng basura sa tamang basurahan. Huwag ding magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at ilog dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot naman ng matinding pagbaha.




