Ngayong panahon ng tag-ulan, mas pinaigting ng Quezon City Government ang de-clogging operations sa iba-bang distrito, sa pangunguna ng mga District Action Office at ng Quezon City Department of Engineering (QCDE).
Tuloy-tuloy rin ang pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga drainage systems at iba pang imprastruktura upang mapanatili ang kaligtasan ng mga QCitizens.
Narito ang mga isinagawang aktibidad:
District 1
– De-clogging operations sa Fema Road, Brgy. Bahay Toro at sa Mayon St. Brgy. Lourdes.
District 2
– Pagpapatuloy ng clearing at clean-up operations sa Commonwealth Avenue, kanto ng Don Antonio Drive, malapit sa MRT-7 Batasan Station
– Paglalagay ng pedestrian lane sa IBP Road, Litex Market
District 3
– De-clogging operations sa Anonas Road, Brgy. Quirino 2A/East Kamias
– Paglilinis at pagtanggal ng mga nahulog na debris sa Riverside St., Brgy. Pansol
– Pagsasaayos at paglagay ng bagong concrete manhole cover sa Alley 38, Brgy. Escopa 3
– Pagsasaayos ng comfort room sa covered court ng Brgy. Masagana
District 4
– De-clogging operations sa kahabaan ng Anonas Ext., Brgy. Sikatuna
– Pagpapaganda sa paligid ng Tomas Morato
– Pagpuputol ng mga damo sa kahabaan ng Elliptical Road
– Paglinis at pag-alis ng mga basura sa Makabayan St., Brgy. Obrero
District 5
– De-clogging operations sa Bayabas St. at Kasoy St., Brgy. Sta. Monica, at Ramirez St., Brgy. Novaliches Proper
District 6
– De-clogging operations sa Metro Heights Subd., Brgy. Culiat
– Paglalagay ng drainage system sa Commonwealth Avenue
PAALALA: QCitizens, ugaliing magbukod at magtapon ng basura sa tamang basurahan. Huwag ding magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at ilog dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot naman ng matinding pagbaha.
Patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng mga konkretong hakbang upang matiyak ang kaligtasan, kahandaan, at kapakanan ng bawat QCitizen, lalo na ngayong tag-ulan.




