Tuloy-tuloy ang road and drainage maintenance activities ng Quezon City Government sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Sa pangunguna ng Department of Engineering, isinagawa ang mga de-clogging activities at pag-repair ng mga drainage systems sa iba’t ibang distrito upang masiguro ang maayos na daloy ng tubig at mapanatili ang kaligtasan ng mga QCitizen, lalo na ngayong tag-ulan.
Narito ang mga road and drainage maintenance activities na isinagawa:
District 1
– Declogging at clearing operations sa Dapitan St., Kanlaon St., at Mayon St., Brgy. Sta. Teresita, Sibuyan St., Brgy. St. Peter, at Apacible St., at Banaba St., Brgy. Balingasa
– Clearing operations sa Kanlaon St., Iriga St., at Halcon St., Brgy. Sta. Teresita
– Drainage improvement sa Matutum St., Brgy. St. Peter
– Repair ng drainage system sa Barangay Bahay Toro at Halcon St., Brgy. Sta. Teresita
District 2
– Declogging operations sa Payatas Road, Brgy. Commonwealth
– Clearing operations sa Commonwealth Ave., Brgy. Batasan Hills
– Asphalting operations sa V.V. Soliven, Brgy. Commonwealth
– Repair works sa Litex Market, Brgy. Commonwealth
– Concrete works sa Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit
District 3
– Declogging operations sa Camarilla St., at 19th Ave., Brgy. San Roque, at Obrero St., Brgy. Bagumbayan
– Clearing operations sa Brgy. Matandang Balara, 13th Ave., Brgy. Socorro, LRA Compound, at Katipunan, Brgy. Loyola Heights
– Repair ng drainage system sa Brgy. East Kamias
District 4
– Declogging operations sa Elliptical Road, Brgy. Central, KE St., Brgy. Kamuning
– Repair works sa KE St., Brgy. Kamuning, N Ramirez St., Brgy. San Isidro Galas
– Clearing operations sa Makabayan St., Brgy. Obrero
– Beautification works sa Tomas Morato
– Asphalting works sa Tiburcio St., Brgy. Krus na ligas
District 5
– Declogging operations sa Susana Road, Brgy. Novaliches Proper, Viceroy St. at Basilio Compound, Brgy. Fairview
– Repair ng Drainage System sa Diamond Village, Brgy. Kaligayahan, J. Abad Santos cor A. Bonifacio St., F. Agoncillo St., at Donafield Road cor Plainville, Brgy. Sta. Lucia, Amos cor Joel St., Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica
– Asphalting works sa North Fairview Subd., Brgy. North Fairview
– Concrete works sa Teresa Heights, Brgy. Pasong Putik Proper
District 6
– Declogging operations sa General Ave., Brgy. Tandang Sora
– Pagpapatuloy ng Installation ng drainage system sa Commonwealth Avenue cor Don Antonio, Brgy. Batasan Hills
Layunin ng mga gawaing ito na maiwasan ang pagbaha sa mga lansangan ng lungsod. Kasabay ng mga ito ay ang pagsasagawa at pagsasaayos ng mga infrastructure projects na makatutulong sa pagpapalakas ng flood resilience ng lungsod at sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga QCitizen.
Paalala sa mga QCitizen, ugaliing magbukod at magtapon ng basura sa tamang basurahan. Huwag ding magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at ilog dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot naman ng matinding pagbaha.




