Bunsod ng pagbaha na idinulot ng walang-tigil na pag-ulan dahil sa Habagat, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ng mga hakbang upang matugunan ang epekto nito sa lungsod.
Kabilang sa mga aktibidad ang declogging at flood dewatering operations gamit ang mga sewer jet upang mapabilis ang pagdaloy ng tubig at maiwasan ang matinding pagbaha sa mga lansangan.
District 1
– Drainage clearing at de-clogging works sa D. Tuazon cor Maria Clara St., Brgy Lourdes
– Floodwater clearing works sa Banawe cor N.S. Amoranto St., Brgy Sto. Domingo / Siena
– Installation ng Drainage Interceptor at Matutum St. cor Del Monte Ave., Brgy St. Peter
District 2
– Drainage clearing at de-clogging works malapit sa MRT-7 Batasan Station, Brgy. Batasan Hills, at sa Doña Carmen Subdivision, Brgy. Commonwealth
– Installation ng Steel Barricade sa Maynilad open manhole malapit sa MRT-7 Batasan Station, Brgy Batasan Hill
District 3
– Drainage clearing at de-clogging works sa B. Gonzales St., Jocson St., at T. Salvador St., Brgy. Loyola Heights; Katipunan Ext., C-5; 20th Ave. cor. Don Jose St., Brgy. San Roque; at sa Raja Matanda St., Brgy. Villa Maria Clara.
District 4
– Drainage clearing, Floodwater clearing, at Installation ng Manhole cover sa Elliptical Road, Brgy Central
– Drainage clearing at de-clogging works sa G. Araneta cor Victory Ave, Brgy Tatalon
District 5
– Floodwater clearing works sa Dunhill St., Brgy. Fairview
– Drainage clearing at de-clogging works sa Narra St., SAPAMANAI HOA, Brgy. Fairview, at sa Libra St., Brgy. San Agustin
– Drainage clearing works sa Viceroy St., Brgy. Fairview, at sa Banahaw St., Brgy. Nagkaisang Nayon
District 6
-Drainage clearing at de-clogging works sa Janet Ext., at Venus St., Brgy Tandang Sora, at sa Old Sauyo Road, Brgy. Sauyo
Katuwang ng Pamahalaang Lungsod ang iba’t ibang ahensya at departamento sa pagsasagawa ng response operations para sa kaligtasan at proteksyon ng bawat QCitizen.




