Sa gitna ng walang tigil na pag-ulan na nagiging sanhi ng pagbaha sa iba- ibang bahagi ng lungsod, patuloy ang agarang pagkilos ng Quezon City Government, katuwang ang Department of Engineering, upang tugunan ang mga epekto nito.
Isinasagawa ang iba’t ibang flood mitigation activities gaya ng de-clogging at clearing operations ng mga drainage systems at pangunahing outfalls upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang paglala ng baha sa mga apektadong lugar.
District 1
– Clearing operations sa NS Amoranto., Brgy. Sienna/Sto. Domingo
– Clearing ng flood debris using Skid Loader sa West Riverside, Brgy. San Antonio with Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC)
District 2
– Clearing operations sa Sapphire St., Brgy Payatas, MRT-7 Don Antonio at Batasan Station, Commonwealth Ave., at Doña Carmen Ave., Brgy. Commonwealth
– Dredging works sa Kalamiong Creek, Sapphire St., Brgy. Payatas
District 3
– Clearing operations sa Pajo cor. Chico St., Brgy. Quirino 2-C; Raja Matanda St., Brgy. Milagrosa; at Katipunan C5, Brgy. White Plains
District 4
– Pagtanggal ng natuyong konkreto sa drainage lines sa Big Horseshoe Drive, Brgy. Horseshoe
– Clearing operations sa kabahaan ng G. Araneta Corner Victory
– Clearing at de-clogging operations sa Elliptical Road at E.Rodriguez, Brgy. Tatalon
District 5
– Floodwater clearing works sa Dunhill St., Brgy. Fairview
– Installation ng Manhole cover sa Pearl St., Brgy. Fairview
– Clearing at de-clogging works sa Accountant St., Brgy. Fairview
District 6
– Clearing operations sa outfall ng Cypress Village, Brgy. Apolonio Samson
Tuloy-tuloy ang mga clearing operations ng Quezon City Government habang unti-unting humuhupa ang baha sa ilang bahagi ng lungsod. Inaasahang magpapatuloy ang mga operasyong ito sa mga susunod na araw bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng bawat QCitizen.
Paalala sa mga QCitizen, ugaliing magbukod at magtapon ng basura sa tamang basurahan. Huwag ding magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at ilog dahil nagiging sanhi ito ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot naman ng matinding pagbaha.




