Bilang paghahanda sa paparating na Tropical Cyclone “Kristine,” ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ay patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagbaha sa iba- ibang bahagi ng lungsod.

Nakapag de-clog ng 2,440 cubic meters ng drainage mula sa isinagawang 45 de-clogging operations. Kabilang na rito ang mga kalsada sa Barangay Del Monte at Damayan sa District 1, Barangay Holy Spirit sa District 2, Barangay Bagumbayan sa District 3, Barangay Central sa District 4, Barangay Fairview sa District 5, Barangay Tandang Sora sa District 6, at sa iba pang flood-prone areas sa lungsod.

Kasabay nito, isinasagawa rin ang repair ng riprap, tulad ng sa Mabasa Compound, Brgy. Culiat, upang maprotektahan ang mga kalapit na lugar mula sa posibleng pagtaas ng tubig.

+9