Sa kabila ng pag-ulang dulot ng Bagyong #KristinePH, patuloy sa paglilinis at pag-aalis ng bara at basura ang mga tauhan ng QC Department of Engineering sa mga kanal sa ilang lugar sa lungsod.
Nagsagawa ng declogging operation sa Victory Avenue at Villa España sa Brgy. Tatalon para maiwasan ang matinding baha sakaling malakas ang ulan.
Para sa emergencies, tumawag lamang sa QC Helpline 122.