Bumaba na ang baha sa Aguirre compound sa Carreon Village, Brgy. San Bartolome matapos ang isinagawang declogging operation ng mga tauhan ng QC Department of Engineering (QCDE).

Sa gitna ng pananalasa ng Bagyong #KristinePH, tuloy-tuloy sa paglilinis at pagtatanggal ng bara at basura sa mga kanal at daluyan ng tubig ang QCDE para matugunan ang problema sa pagbabaha sa ilang lugar sa lungsod.

+4