Patuloy ang mga declogging operations na isinasagawa ng Quezon City Government sa pangunguna ng Department of Engineering upang mabawasan ang pagbaha na dulot ng Bagyong #KristinePH.
Ngayong araw, walong karagdagang declogging activities ang naisagawa, na nagdagdag ng 355 cubic meters sa kabuuang drainage capacity na naibalik sa lungsod. Sa kasalukuyan, umabot na sa 70 declogging activities ang naisakatuparan, na may kabuuang 3,870 cubic meters ng naibalik na drainage capacity.
Kabilang sa mga na-declog na lugar ang Mangga Street sa Barangay Katipunan, District 1; Phase 3 Lupang Pangako sa Barangay Payatas, District 2; C. Benitez Street sa Barangay Horseshoe, District 3; UP Bliss sa Barangay San Vicente, District 4; Galvez Street, M. Aquino Street, at Tarhaville sa Barangay Sta. Lucia, District 5; at Cypress Village sa Barangay Apolonio Samson, District 6.
Ang mga declogging operations ay bahagi lamang ng iba’t ibang hakbang na isinasagawa ng lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad at maprotektahan ang kapakanan ng QCitizens.