Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng declogging operation ng Quezon City Government sa pangunguna ng Department of Engineering, para linisin ang mga kanal sa iba-ibang lugar sa lungsod.
Kabilang sa mga na-declog na lugar ang West Riverside St., Brgy. Damayan, Main Avenue, Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, at Arayat St., Brgy. San Martin de Porres.
Ang mga declogging operations ay isa sa mga hakbang ng lungsod upang matiyak na mabawasan ang epekto ng pagbaha sa maraming lugar.