Nagsagawa ng drainage de-clogging at cleanup works ang QC Department of Engineering para linisin ang mga inlet at alisin ang mga bara at basura sa mga daluyan ng tubig sa lungsod.
Ito’y bilang paghahanda ang inaasahang sama ng panahon bunsod ng paparating na bagyo.
Patuloy ang mga ganitong hakbang ng Quezon City Government upang matiyak na maiiwasan ang matinding baha kapag malakas ang ulan.
Narito ang de-clogging at cleanup ops na isinagawa sa iba-ibang distrito:
District 1
– De-clogging works sa Alley corner Lincoln St., Brgy. San Antonio
– De-clogging at clearing works sa Ilagan St. corner Mendoza, Brgy. Paltok
District 2
– De-clogging works sa Rehabilitation Center, Molave St. at Saint Mary St., Brgy. Payatas
– De-clogging works sa House of Representatives, IBP Road, Brgy. Batasan Hills
– De-clogging works sa Desiderio St. at Agnes St. Don Jose Heights, at Doña Carmen, Brgy. Commonwealth
District 3
– Repair works sa Katipunan Avenue, Brgy. Loyola Heights
District 4
– Drainage Improvement sa Elliptical Road, Brgy. Central
District 5
– De-clogging works sa Interville III St., Orient St., Brgy. San Agustin
– De-clogging works sa East Fairview Subd., Old Gold St., Brgy. Greater Fairview
District 6
– Repair ng riprap sa Tierra Pura, Brgy. Culiat
– De-clogging works sa Philvirra Homes, Alley 1-2, Brgy. Tandang Sora
Sinisiguro ng lokal na pamahalaan na mapanatiling ligtas, maayos, at handa ang lungsod sa agarang pagtugon sa banta ng pagbaha.








