Patuloy ang paghahanda ng Quezon City Government sa paparating na Bagyong #UwanPH upang maiwasan ang matinding epekto ng posibleng pagbaha. Sa pangunguna ng Department of Engineering, nagsagawa ng mga drainage de-clogging at clearing works sa mga sumusunod na lugar:
District 1
– Road 14 at Road 16, Brgy. Bahay Toro
District 2
– Creek sa Riverside Extension, Brgy. Commonwealth
District 3
– Alimudin St., Brgy. Milagrosa
District 4
– K-2nd at K-3rd St., Brgy. Kamuning
– Lourdes Castillo St., Brgy. Don Manuel
– Elliptical Road, Brgy. Central
District 5
– Viking St. at Old Gold St., Brgy. Fairview
District 6
– Marian Lane, Brgy. Culiat
Ang mga gawaing ito ay bahagi ng patuloy na paghahanda ng lungsod upang mapanatiling maayos ang mga daluyan ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa panahon ng bagyo.










