Patuloy ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, sa pagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang epekto ng pagbaha sa lungsod na dulot ng malakas na pag-ulan.
Kabilang sa mga ito ang pagsasagawa ng clearing operations upang alisin ang mga naipong basura at declogging operations gamit ang mga sewer jet upang mapabilis ang daloy ng tubig at maiwasan ang paglala ng pagbaha sa mga lansangan.
• Clearing works sa NS Amoranto cor. Don Jose
• Clearing works sa Rajah Matanda cor. JP Rizal
• Clearing works sa Main Avenue cor. EDSA
• Clearing works sa Elliptical Road, Brgy. Central
• Declogging works sa V. Luna cor. Anonas Extension
• Declogging works sa East Avenue
Patuloy na pinaiigting ng lokal na pamahalaan ang mga clearing at declogging operations, gayundin ang iba pang kinakailangang hakbang, upang mapanatili ang kaayusan sa lungsod at masiguro ang kaligtasan ng bawat QCitizen.










