Matapos ang malakas na pag-ulan ngayong hapon, agad na nagsagawa ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ng de-clogging at clearing operations sa iba-ibang bahagi ng lungsod upang mapabilis ang paghupa ng baha at maibalik ang maayos na kondisyon ng mga lansangan.
Sa tulong ng mga sewer jet, isinagawa ang paglilinis at pag-aalis ng mga naipong basura at bara sa mga drainage system upang mapabilis ang de-clogging operations at mabawasan ang panganib ng pagbaha.
– Clearing works sa Brgy. Siena at Brgy. Sto. Domingo,
– Clearing works sa NS Amoranto cor Banawe
– De-clogging works sa NS Amoranto cor Don Jose
– De-clogging works sa V. Luna cor Matimpiin
– Clearing works sa Elliptical Road, Brgy. Central
– De-clogging works sa Central Avenue, Brgy. Culiat
– De-clogging works sa Edsa Muñoz, Brgy Apolinio Samson
– De-clogging works sa Pajo-Chico Street
– De-clogging works sa Anonas cor V. Luna










