Kasabay ng malakas na pag-ulan ay ang pag-anod ng mga basura na bumara sa mga drainage inlets ng lungsod.
Agad na nagsagawa ng clearing operations ang Quezon City Government upang maalis ang mga bara at mapabilis ang paghupa ng baha.
Sa pangunguna ng Department of Engineering, nagsagawa ng clearing works sa mga sumusunod na lugar:
Don Jose St. cor. N.S. Amoranto Sr. St., Brgy. Siena
Maria Clara St. cor. D. Tuazon, Brgy. Lourdes
Commonwealth Ave. malapit sa Bitoon Circle, Brgy. Commonwealth
Doña Carmen Ave., Brgy. Commonwealth
Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit
20th Avenue, Brgy. San Roque
Anonas Extension, Brgy. Sikatuna Village
V. Luna Ave. cor. Matimpiin St., Brgy. Pinyahan
Dunhill St., Brgy. Fairview
Auburn St., Brgy. North Fairview
Forestry St., Brgy. Vasra
Central Ave., Brgy. U.P. Campus
Patuloy ang isinasagawang kahalintulad na response operations sa iba- ibang lansangan upang matiyak ang mabilis na paghupa ng pagbaha at kaligtasan ng mga QCitizen.
Pinapaalalahanan din ang publiko na panatilihin ang wastong pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara nito sa mga daluyan ng tubig.










