MAY KATUPARAN ANG PABAHAY SA QC! ![]()
![]()
Binigyang katuparan ni Mayor Joy Belmonte ang pangarap ng 3,010 pamilyang QCitizens na magkaroon ng sariling tahanan matapos ang idinaos na Deed of Absolute Sale signing sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at mga land owner sa District 2.
Magiging pag-aari na ng mga pamilya ang lupa na kanilang tinitirahan sa mga barangay ng Commonwealth, Payatas, at Bagong Silangan sa tulong ng programa ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD).
Nakibahagi sa signing ceremony sina Councilors Mikey Belmonte at Atty. Bong Liban, Chief of Staff Rowena Macatao, HCDRD Head Atty. Jojo Conejero, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, P/B Rascal Doctor, P/B Willy Cara, P/B Maning Co, at land owners na sina Francis Vicente, Edgar Krohn ng Manila Remnant Co., at Lourdes Cinco ng E. Rodriguez Property.








