PABAHAY SA NOVALICHES!
Tinupad ng lokal na pamahalaan ang hiling ng 129 pamilyang QCitizens mula sa Barangay Sta. Monica, Nagkaisang Nayon, Gulod, at Sta. Lucia na magkaroon ng katiyakan sa paninirahan sa Lungsod Quezon.
Pormal nang pumirma si Mayor Joy Belmonte sa Deed of Absolute Sale sa pagitan ng mga lot owner na sina Teresita Danguilan, Florey Littaua, Jorge Yacaba, Jovita Lacamento, Jocelyn Lopez, at Virginia Corpuz.
Nasa 5,200 square meters ang lawak ng mga lupang ito na nasa apat na barangay sa Novaliches.
Kasama ng Alkalde sa programa sina District 5 Rep. PM Vargas, D5 Councilors Alfred Vargas, Shay Liban, Mutya Castelo, Ram Medalla, Joseph Visaya, Enzo Pineda, Chief of Staff Rowena Macatao, Housing Community Development and Resettlement Department OIC Atty. Jojo Conejero, D5 Action Officer William Bawag, P/B Rey Aldrin S. Tolentino, P/B Feliciano Dela Cruz, at P/B Ruel S. Marpa.