PABAHAY PARA SA QCITIZENS!
May katiyakan na sa paninirahan ang 468 pamilyang QCitizens ng Barangay Pasong Tamo matapos lagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang Deed of Absolute Sale kasama ang Philippine National Bank (PNB).
Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng barangay dahil aabot sa 24,500 square meters na land area ang bibilhin ng lokal na pamahalaan.
Dumalo sa programa sina District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, D6 Councilors Banjo Pilar, Ellie Juan, Kristine Matias, Vito Generoso, Vic Bernardo, Kagawad Cocoy Medina, D6 Action Officer Atty. Mark Aldave, Housing Community Development and Resettlement Department OIC Atty. Jojo Conejero, at PNB Senior Vice President Nixon Ngo.