Nilagdaan na at tinanggap ng QC Government ang Deed of Donation and Acceptance ng lupain mula sa San Antonio de Padua Homeowners Association (SAPHOA) na matatagpuan sa 224 Sto Domingo Street, San Antonio de Padua, Brgy. Balingasa, Quezon City.

Ang 224 Sto Domingo Street ay nasunog noong isang taon, ngunit hindi maisaayos ng Lokal na Pamahalaan dahil ito ay pagmamay-ari ng pribadong sektor.

Dahil sa donasyong ito, ang lupain ay maaari nang tayuan ng pampublikong kalsada at magsisilbing open at safe space sa mga residente.

Pumirma sa kasulatan sina Mayor Joy Belmonte, District 1 Action Officer Mr. Oliviere Belmonte, Housing Community Development And Resettlement Department head Mr. Ramon Asprer, City Legal Department Atty. Mariam Usman at SAPHOA President Mr. Ronilo Loto.