Upang matugunan ang problema sa katiyakan sa paninirahan, nilagdaan ngayong araw ang Deed of Sale sa pagitan ng Quezon City Government at Mega East Properties, Inc. para sa 450 QCitizens ng Lower Sampaguita Extension, Area A, Barangay Payatas, Quezon City.
Sa pamamagitan nito ay makakasiguro na ang mga residente na sila na ang magmamay-ari ng lupang kanilang tinitirhan.
Pormal na pumirma sa Deed of Sale sina Mayor Joy Belmonte, Coun. Mikey Belmonte, Coun. Aly Medalla, Coun. Godie Liban, Atty. Joren Tan, at Mega East Properties, Inc. representative Mr. Bobby Gonzales.