Isa sa mga adbokasiya ng Lungsod ang pabahay para sa mga residente. Pumirma ng Deed of Sale ang Quezon City Government at The Manila Remnant Company, Inc. para sa 203 residente ng Sagrada Corazon & Bayanihan Extension Street, Area A, Barangay Payatas, Quezon City.

Sa kasunduang ito ay bibilhin ng Pamahalaang Lungsod ang lupa mula sa pribadong korporasyon at ibabahagi ito sa mga QCitizen na naninirahan dito. Mismong ang QC-LGU ang magaayos ng mga pangangailangan at titulo ng ating mga benepisyaryo.

Nilagdaan ito nina Mayor Joy Belmonte, Housing Community Development And Resettlement Department head Mr. Ramon Asprer, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro at The Manila Remnant Company, Inc. representative Mr. Edgar Johannes Krohn. Naroon din sina Coun. Candy Medina, Coun. Mikey Belmonte at iba pang mga opisyal ng Barangay Payatas.