PABAHAY PARA SA LAHAT SA QC!
Malapit nang maging permanenteng QCitizen homeowners ang mga taga Barangay Payatas matapos ang Deed of Sale Signing sa pagitan ng Quezon City Government, The Manila Remnant Company Co Inc., at ng Mega East Properties Inc. ngayong araw.
Tinatayang aabot sa 1,000 ang mga potential beneficiaries ng Direct Sale Program ng Housing, Community Development and Resettlement Department (HCDRD) sa dalawang komunidad sa Barangay Payatas.
Bahagi ng programa ang pagbili ng lupa ng lokal na pamahalaan mula sa private owners upang maibahagi at maibenta sa mga residente sa mababang halaga.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang programa kasama sina Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Mikey Belmonte, Coun. Aly Medalla, Coun. Candy Medina, D2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, HCDRD head Ramon Asprer, Barangay Payatas P/B Rascal Doctor, MEPI President Bobby Gonzales, at Edgar Khron ng MRCI.




