Hangad ng lokal na pamahalaan na solusyunan ang problema sa tirahan.
Aabot sa 700 pamilya mula sa Brgy. Payatas, Quezon City ang magkakaroon na ng katiyakan sa paninirahan.
Ito ay dahil sa Deed of Sale na nilagdaan ng Quezon City Government at The Manila Remnant Co. Inc.
Hindi na muling mangangamba ang mga residente ng Sto. Niño St., San Juan St., at San Miguel St. dahil ipagkakaloob na sa mga residente ang titulo ng lupang tinitirikan ng kanilang mga bahay.
Dumalo rito ang mga kinatawan ng Sto. Niño and San Juan Evangelista Neighborhood Association, San Miguel Neighborhood Association, Inc. Inc., at M.Y San Juan Bautista (Campsite) Neighborhood Association, Inc.
Nilagdaan ang Deed of Sale nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, District 2 Rep. Ralph Tulfo, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Housing Community Development And Resettlement Department head Ramon Asper, at Edgar Johannes Krohn ng The Manila Remnant Co. Inc.




