Bumisita sa Quezon City ang isang delegasyon mula sa Royal Government of Cambodia. Inalam nila ang mga programa kaugnay sa Gender and Development sa lungsod, at ang epekto ng mga ito sa QCitizens.

Pinangunahan ni H.E. Dr. Ing Kantha Phavi – Minister of Women’s Affairs (MOWA) ang 28 na delegado na mula sa iba-ibang ministry sa Cambodia.

Ginanap ang programa sa Quezon City General Hospital. Tinalakay dito ni Gender and Development (GAD) Council Sec. Janete Oviedo ang GAD mainstreaming sa Lungsod Quezon. Sumentro naman sa QC Protection Center Services ang paksa ng Social Worker na si Joceline Basconcillo. Nagbigay din ng mensahe si QCGH Director Dr. Josephine Sabando.

Matapos ang programa, bumisita sila sa QC Protection Center at Bahay Kanlungan.

Layon ng pagbisita ng delegasyon ang matutunan ang Gender Responsive Budgeting (GRB) sa Pilipinas.

+10